Kami, na mga nagtatag ng araT, ay mga anak ng Zambales — dito isinilang, lumaki, at nangarap. Mula sa aming karanasan, natuklasan namin na maraming bayan na tulad ng sa amin ay nahuhuli sa pag-unlad, lalo na sa paggamit ng teknolohiya upang mapabuti ang pamumuhay ng bawat mamamayan. Mula sa pangarap na ito isinilang ang araT.
Ang mga miyembro ng araT ay naniniwala na ang bawat komunidad, gaano man kaliit, ay may potensyal na umunlad at maging mas maayos ang pamumuhay. Ang araT — na nangangahulugang "Tara!" — ay isang plataporma na nagbibigay ng pagkakataon sa mga rural na lugar sa Pilipinas na gamitin ang kanilang yaman at talino upang magkaisa at umusbong.
Sa araT, ikaw at ang iyong lokal na komunidad ang bida:
- Ibahagi ang Sarap at Saya: Mag-post ng mga pagkain, produkto sa palengke, kaganapan, at magagandang lugar sa inyong bayan!
- Patibayin ang Komunidad: Magbahagi ng ideya, balita, at suporta sa ating community board.
- Bigyan ng Puso ang Inyong Kwento: Ang bawat post ay naaayon sa ating pamantayan, at ang reputasyon ay nakukuha sa pamamagitan ng suporta at pagkilala mula sa ating kababayan.
Ang araT ay hindi lamang isang app — ito ay isang kilusan. Tara, simulan natin ang pagbabago! Sama-sama, buhayin natin ang potensyal ng ating mga lokal na komunidad para sa mas masaya, mas maunlad, at mas konektadong bukas.
araT na!
